Home / Community / Marissa: Ang radikal na pagsibol at pagtatapos ng ika-48 na taon ng Teatro Tomasino

Marissa: Ang radikal na pagsibol at pagtatapos ng ika-48 na taon ng Teatro Tomasino

Metro Manila, Philippines – Para sa ika-48 nitong taon, inihahandog ng Teatro Tomasino ang “Marissa.” Sa panulat ni Isagani Cruz at direksyon ni Angel Ocampo, ang “Marissa” ay isang dulang tungkol sa buhay sining, pagsusulat, at ang marami nitong kabaliwan. 

Alinsunod sa temang “Sibol,” binibigyang diin ng “Marissa” ang tunay na kapangyarihan ng sining na maging isang tulay upang pag-alabin hindi lamang ang entablado, kundi ang bawat isang may tiwala at tunay na pagmamahal rito. Hindi ito lamang nabubuo ng kaakit-akit na ilaw, kasuotan, o pag-arte – kundi pagsalungat sa karaniwan at pagpapalaya sa katotohanan na pilit na ibinabaon. Sapagkat ang sining, sa lahat ng anyo nito, ay palaging isang uri ng paglaban sa lahat ng nagsisikap na patahimikin ang sariling totoo. Ang “Marissa” ay isang paalala na kahit sa mga panahong walang katiyakan ang buhay, ang sining ay nandoon pa rin, umuusbong, at hindi tumitigil. 

Kung kaya’t layunin ng produksiyong ito na  maging daan sa pagpapatunay kung saan ang sining ay hindi lamang talento at pagtatanghal, kundi isang puwersang pinagyayaman ang bawat pusong naghahanap ng katarungan. Ang sining at pagbuo ng “Marissa” ang kolektibong diwa ng rebolusyonaryong pagsibol ng Teatro Tomasino na patuloy na naghahangad na mabuhay, lumikha at lumaban.  

Para sa kanyang disertasyon, kailangang interbyuhin ng estudyanteng si Mario ang tanyag na 

mandudula na si Corazon Roja. Ang dapat na simpleng usapa’y nauwi sa isang hapon puno ng samu’t saring kalokohan.

Ang “Marissa” ay itatanghal sa Abril 28-30 (12:30 NH, 3 NH, 6 NG) at Mayo 2 (10 NU, 12:30 NH, 3 NH, 6 NG) na isasagawa sa Tan Yan Kee Audio Visual Room, University of Santo Tomas. 

Para sa ticket inquiries at karagdagang detalye, bisitahin ang Teatro Tomasino – UST sa Facebook, Instagram at Gmail (pnm.teatrotomasino@gmail.com) o lapitan sina Heaven Nicole (0929 106 6166) at Jhon Patrick (0929 106 6218). 

ADVERTISEMENT