Home / News / Aquino signs Competition Act, Cabotage Law amendments

Aquino signs Competition Act, Cabotage Law amendments

Metro Manila (CNN Philippines) — President Benigno Aquino III signed on Tuesday (July 21) two “landmark” economic measures under his administration — days before his last State of the Nation Address (SONA).

In his speech, the president said the passage of  two of his administration’s priority economic bills — the Philippine Competition Act and amendments to the Cabotage Law — will further boost the economy’s growth.

“Sa pamamagitan ng dalawang panukalang batas na pinagtibay natin sa araw na ito, tinatanggal natin ang mga baluktot na kalakarang dulot ng kawalan ng kumpetisyon, na walang nadadalang pakinabang sa ating mamamayan,” Aquino said.

[Translation: “Through these two laws, we remove the crooked practices brought about by a lack of competition which do not benefit our citizens.”]

House Speaker Feliciano Belmonte Jr. said these “game-changing laws” would help bring “inclusive growth.”

The Philippine Competition Law aims to enhance economic efficiency and promote free and fair competition. This will prevent economic concentration which will control production, distribution, trade, or industry.

The law also establishes the Philippine Competition Commission, which shall have jurisdiction to implement the national competition policy.

Aquino credited the members of Congress for the passage of the bill that had been “languishing” for two decades.

Meanwhile, amendments to the Cabotage Law are believed to lower the cost of shipping export cargoes from Philippine ports to international ports, and import cargoes from international ports.

President Aquino gave an example the cost of shipping a container from Cagayan De Oro to Metro Manila to Hong Kong which would amount to more than $1,000.

But with the amendments, the cost could be brought down to just more than $500, which would benefit consumers.

The president also listed down his economic achievements during his speech, which seemed to be a preview of his SONA.

The economic achievements include an average gross domestic product of 6.2% (the fastest in five years for four decades), foreign direct investment of more than $6 billion, and improved investment grades from various credit rating agencies

Senate President Franklin Drilon said these milestones would better equip the country in facing future challenges.

Here is the full text of the president’s speech:

Senate President Frank Drilon, members of the Senate, my Kuya Bam Aquino, Senator Cynthia Villar, Senator Tito Sotto, Speaker Sonny Belmonte, Representatives Boy Gonzales, Dax Cua, Mark Villar, other members of the House present, Executive Secretary Paquito Ochoa, members of the Cabinet present, Governor Alfonso Boy Umali, Mayor Herbert Bautista, members of the joint foreign chambers of commerce in the Philippines, civil society and business partners, fellow workers in government, ladies and gentlemen, good morning.

Ako po ay nahuli dahil yung talumpati ko pong hinanda ay hindi ho, sa palagay ko angkop na angkop sa bigat ng mga batas na isinibatas natin ngayong araw na ito. Lalo na po nandito ang ating NEDA Director General na isang batikan na propesor ng UP School of Economics, baka po mapagkamalan yung ibang eskwelahan ay hindi karapat-dapat tawaging pamantasan ng pag-aaral ng siyensya ng economics. So ako po ay naglecture sa mga writer ko kanina ng economics, kaya umabot ho tayo ng ganito.

Sa delay ko naman po si Speaker Belmonte ay pinagusapan na ang ating Competition Act at saka yung Cabotage Law. Sabi niya: ‘Goodluck ho sa inyo kung may masasabi pa kayo.’

Sumunod si Senate President Frank Drilon, parang yung SONA [State of the Nation Address] ko na yata binabasa niya. Buti nalang po 5 pages lang talumpati ko, malaki pa yung font, may natira naman ho kayo maski papano.

Siyempre ho, umpisan ko na ho sa pasasalamat. Matagal na nabinbin itong mga batas na ito. Si Uncle Henry—sa balita ni Speaker Sonny Belmonte—isa sa pinakanagtaguyod nito, isa sa pinakanagtrabahuan niya. At the risk of having tomorrow’s headlines say “Kamag Anak Inc.,” I’d really like to thank Uncle Henry, and of course Kuya Bob, who are proponents of this. Bukas siguro ho “Kamag Anak Inc.” na naman ang sasabihin.

Bukas ho siguro Kamag Anak Inc. ang sasabihin. Noong nagsimula po tayo, nagbigay ako ng imbitasyon sa mga mga negosyanteng nakapulong natin sa iba’t ibang mga bansa. Ang sabi ko po sa kanila, “Open for business na uli ang Pilipinas.” Ang panata natin noon: Patag na sistema, mula sa pagpuksa sa kultura ng panunuhol, tongpats, at pagsasamantala. Tinanggal nga po natin ang corrupt, at ang mga negosyo naman ang ating magiging katuwang upang maiahon ang mahihirap.

Malinaw naman ang nagiging bunga ng ating mga ipinunla. Mula 2010 hanggang 2014, nagtala tayo ng 6.2 percent na average GDP growth—ito po ang pinakamabilis na paglago ng ating ekonomiya sa loob ng limang taon sa nakaraang apat na dekada. Nitong nakaraang taon, nakamtan natin ang all-time high na net foreign direct investments na $6.2 billion. Noong 2013 naman, iginawad na sa atin ang investment grade ng major credit ratings agencies sa mundo, na ilang ulit pa nilang itinaas sa mga sumunod na taon. Ilan lang po ito sa resulta ng maayos nating paggastos at tapat na pamumuno.

Ngayong araw naman po, nilagdaan natin ang dalawa sa mga panukalang batas na sisigurong magpapatuloy pa ang paglago ng ating ekonomiya. Patunay po ito na hindi tayo basta-basta makukuntento lang sa kung ano ang ating nagawa na, bagkus, talagang sinasagad natin ang makukuhang benepisyo ng ating mga Boss. Sa pamamagitan ng dalawang panukalang batas na pinagtibay natin sa araw na ito, tinatanggal natin ang mga baluktot na kalakarang dulot ng kawalan ng kumpetisyon, na walang nadadalang pakinabang sa ating mamamayan.

Unahin po natin ang Philippine Competition Act. Higit dalawang dekada itong nabinbin sa Kongreso; sa panahong iyon, tsambahan ang naging pagtiyak ng patas na kalakaran sa merkado.

Ang tanong nga po: Sino ba ang nakikinabang ‘pag walang competition? ‘Yung mamimili na napapamahal ang bilihin? ‘Yung nagbebenta na wala nang insentibong pagandahin ang kanyang produkto para pataasin pa ang halaga at kalidad nito? Sa pagsasabatas nga po ng Philippine Competition Act, naisusulong ang kompetisyon sa merkado. Ngayon, sa wakas, maliit man o malaki ang negosyo, ang labanan ay nasa paglalabas ng de-kalidad na produkto sa pinakamakatwirang presyo, imbes na under the table o ang paramihan ng kuneksiyon. Dito, makakamit natin ang punto kung saan ang mamimili, mas totoo ‘yung presyong binabayaran, ‘yung nagbebenta naman, nahihikayat na pahusayin pa ang kanilang serbisyo. Sa dulo, lahat nakikinabang, lahat panalo.

Ganyan din po ang prinsipyong itinataguyod natin sa pagpirma sa Liberalization of Philippine Cabotage. Itong Cabotage Law na ito ay hango pa sa Tariff and Customs Code of 1978, at ngayon nga lang naibabagay sa ating mga pangangailangan. Nagsimula nga po siguro ang batas na ito para maengganyong mapaunlad ang ating shipping industry, at magkaroon ng kakayahang makipagsabayan. Ang problema, kakarampot ang dumadagdag na mga barko natin; na nagresulta sa absurdong sitwasyon kung saan kontrolado ng iilan lang ang takbo ng merkado. Kaya nga po, dumating na tayo sa panahong kailangan na nating baguhin ang sistemang nakagawian.

Sa mga amyenda po ninyo, malayang makakapagkalakal ang mga banyagang barko ng kanilang imported at exported na kargamento sa kanilang napiling port of destination. Dahil dito, mapapadali at mapapamura ang export at import ng mga produkto, na magbubunsod ng mas masiglang merkado. Talagang nakakatipid ang lahat ng stakeholders mula sa mga mamimili hanggang sa mga negosyante. Halimbawa: Sa dating kalakaran, dahil sa kawalan ng kompetisyon, kung magpapadala ka ng cargo container mula Cagayan de Oro patungong Hong Kong, aabutin ka ng $1,264. Sa halagang pong iyon, $1,120 mula Cagayan de Oro hanggang Maynila, at $144 naman mula Maynila hanggang Hong Kong. Dahil sa pag-amyenda ng Cabotage Law, puwede nang dumiretso ang shippers mula Cagayan de Oro hanggang Hong Kong. Ang babayaran na lang nila: $500. $764 po ang natipid nila kada container. Hindi po napaka absurdong sitwasyon na ito, kung saan ang Pilipinas ay tinatayang pangatlo o pang-apat o panglimang pinakamalaking gawaan ng mga barko, at kung saan mula ⅓ hanggang ¼ ng seafarers ay nagmumula sa buong mundo, ay isa rin sa mga pinakamataas na presyo sa pagbabarko.

Alam naman po ninyo, bilang arkipelago, hiwa-hiwalay ang ating mga isla, at talagang pahirapan ang pagbibiyahe ng mga serbisyo at produkto. Kahit nga po ang gobyerno, apektado rin ng dating sistema ng shipping kung saan napapamahal ang pagbiyahe ng mga produkto’t serbisyo. Halimbawa, noong humagupit ang Yolanda at kinailangan nating magpadala ng mga relief goods sa iba’t ibang lalawigan. ‘Yun pong budget natin pantulong, nababawasan pa dahil napupunta sa mahal na bayarin sa paghahatid ng mga kargamento.

Idiin ko lang po: Kung hahayaan na lang natin na magpatuloy ang nakagawiang sistema kung saan walang kompetisyon, hinahayaan na rin nating magtiis sa kakarampot na benepisyo ang ating mamamayan; hinayaan na rin nating makuntento sa sistemang iilan lang ang nakikinabang.

Totoo nga po: Pagkakaisa nagdala sa atin sa kaunlarang tinatamasa natin ngayon. Kaya naman bago ako magpatuloy, magpapasalamat na rin tayo sa mga butihin nating Kongresista at Senador na nakiambag sa pagsusulong ng mga batas na ito. Partikular po nating pinasasalamatan, unahin ko na po, pasensiya na po kayo, ‘yung kuya ko si Bam Aquino, at ang marami pang ibang sponsor at may-akda ng dalawang batas na ito. [Palakpakan] Kay Senator Frank Drilon at kay Speaker Sonny Belmonte, maraming maraming salamat din sa pagpapastol ng mga batas na ito. [Palakpakan] Sama ko na rin po si Uncle Henry, sampu nating mga kasamahan sa NPC na talaga namang nagpasulong sa batas na ito. [Palakpakan] Nagpapasalamat din po tayo kay Executive Secretary Pacquito Ochoa, Senators Vicente Sotto III at Cynthia Villar, Representatives Dina Abad, Boy Gonzales, Mark Villar, Dax Cua sa pagkakaisa sa inisyatibang ito.

Naniniwala tayong kalayaan ang haligi ng matibay na estado; nagbubunsod ito ng kompetisyon, na nagpapalago ng ekonomiya at nagpapalawak ng oportunidad.

Lilinawin ko lang din po: Itataguyod ng mga batas na ito ang paglago ng mga negosyo dito sa bansa, pero hindi lang diyan nagtatapos ang ating istratehiya. Kasabay nito, marami rin tayong mga polisiya at programang nakatuon sa pagbibigay-lakas sa ating mamamayan: Mula sa pagsigurong de-kalidad ang edukasyon ng ating kabataan, hanggang sa pangangalaga ng kalusugan ng lahat, at sa marami pang poverty alleviation programs tulad ng Pantawid Pamilya, tinututukan natin ang kinabukasan. Ibig sabihin: Hindi tayo pumapayag na may Pilipinong maiiwan; hindi natin dinadaan sa baka-sakaling trickle down effect ang malawakang kaunlaran; lahat, sabay-sabay, nag-aambagan para isulong ang siklo ng pag-asenso at pag-angat ng dignidad ng bawat Pilipino.

Marami na nga po tayong nakamit sa limang taon natin sa panunungkulan. Muli nang naniwala ang Pilipino na kaya niyang makipagsabayan at makipagtagisan sa ibang bansa. Nakikita na nga po natin ang pagbabago: kung noon, natatakot pa tayong magtaya, ngayon, nakikita natin ito bilang oportunidad na umunlad; kung noon, nagdududa pa tayo sa ating kakayahan, ngayon handang-handa na tayong harapin ang anumang hamon.

Makakaasa ang ating mga Boss: Sa pinagtibay nating Philippine Competition Act at Liberalization of Philippine Cabotage, ang pagbabagong tinatamasa natin ngayon ay magpapatuloy hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Kahit wala na po tayo sa puwesto, sisiguruhin ng mga batas na ito na hindi basta-basta matitibag ang itinatag nating mga pundasyon para sa transpormasyon ng ating ekonomiya at kalakhang lipunan. Tiwala naman po ako: Ngayong nabawi na natin ang pambansang dangal, ngayong may gobyerno nang tunay na naglilingkod sa sambayanan, at ngayong may kumpiyansa na ang Pilipinong umasenso at tuparin ang kanyang mga pangarap, talaga naman pong abot-kamay na natin ang isang kinabukasang di hamak na mas maunlad kaysa ating pong dinatnan.

At muli po, magpapasalamat ako sa ating mga miyembro ng senado’t kongreso na talaga naman pong sa araw na ito, walang kaduda-duda, pinakamatinding kritiko na ho natin magsasalita—sige, maghanap ka ng pruweba na hindi talaga naglilingkod ang ating mga kinatawan sa parehong kapulungan.

ADVERTISEMENT
Tagged: