Hindi umano garantisadong acquittal votes ang Duterte bloc sa impeachment
Kung pagbabasehan ang bilang ng mga malalapit sa mga Duterte sa bagong set of senators, posibleng mapawalang sala si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, ayon sa isang political analyst. Pero, hindi raw ganyan kasimple ang botohang mangyayari.
Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na historically, kayang magdesisyon ng mga senador base sa ebidensya o sariling pagpapasya sa halip na political alliance lamang.
May balita si Eimor Santos.