Nagkaisa ang lahat ng mga senador laban sa isinusulong na People’s Initiative.
Sa isang manifesto na pirmado ng dalawaput apat na senador sinabi nilang layon lang nitong mapag-isa na lamang ang boto ng parehong kapulungan sa isang constituent assembly.
Kung mangyari ito, giit ng mga senador na dehado sila kumpara sa daan-daang mga kongresista.
Magbabalita ang aming correspondent, Daniza Fernandez.


















