Ngayong taon, umabot na sa higit apat na milyong tonelada ng basura ang nakolekta ng San Miguel Corporation sa mga ilog ng Pasig, Tullahan, at Bulacan.
Malaki na nga raw ang naitulong nito sa pagtugon sa problema sa baha sa ilang bayan. Dagdag benepisyo pa ang mas malinis na ilog sa mga ilang komunidad.
Sa ating Serbisyo Ngayon, nakausap ni CNN Philippines anchor and senior correspondent Ruth Cabal si San Miguel Corporation River Cleanup Project Manager, Jimmy Lu.


















