Isang consumer group ang nanawagan kay Pangulong Marcos na bawiin ang appointment nila Energy Secretary Raphael Lotilla at Energy Regulatory Commission Chairperson Monalisa Dimalanta.
Sa isang sulat, inilista ng National Association of Electricity Consumers for Reforms (NASECORE) ang mga dahilan kung bakit nakababahala na sila’y maupo sa pwesto.
Paliwanag ng NASECORE, si Lotilla at Dimalanta ay parehong nanggaling sa Aboitiz Power Corporation. Si Lotilla ay nanilbihang independent director habang si Dimalanta ay naging chief legal counsel at compliance officer ng kumpanya. Pangamba ng grupo, baka raw maging pabor na sa Aboitiz Group ang lahat ng polisiya sa industriya.
Makakausap natin ngayon si ERC Chairperson Monalisa Dimalanta.
ADVERTISEMENT
















