Home / Videos / DOTr, LTO nagtuturuan sa kakulangan ng cards para sa driver’s license

DOTr, LTO nagtuturuan sa kakulangan ng cards para sa driver’s license

Nagturuan ang LTO at DOTr kung bakit hindi pa nakakabili ng bagong plastic cards na gagamitin sa pag-imprenta ng driver’s license. Sa taya ng LTO, hanggang sa susunod na linggo na lamang ang natitira nilang supply ng plastic cards sa buong bansa.

Kapag naubos, i-iimprenta raw muna sa likod ng resibo ang lisensya.

Para sa isang think-tank, ang problemang ito ay bunsod ng kawalan ng kakayahan ng mga ahensya ng pamahalaan — na sa huli ay publiko ang magsasakripisyo.

May ulat si senior correspondent Gerg Cahiles.

ADVERTISEMENT
Tagged: