Home / Videos / Isa pang Pilipinong bihag ng grupong Hamas pinalaya na | Balitaan

Isa pang Pilipinong bihag ng grupong Hamas pinalaya na | Balitaan

Pinalaya na ng Palestinian militant group Hamas ang isa pang binihag na Pinoy. Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nag-anunsiyo ng magandang balita.

Ayon kay ginoong Marcos, ligtas na nakabalik ng Israel ang pinalayang si Noralyn Babadilla at accounted for na ang lahat ng Pilipinong naipit sa giyera doon. Nagpaabot din ng pagsasalamat ang pangulo sa Israeli authorities para sa pangangasiwa sa pagpapalaya sa ating kababayan.

October 7 nang dakpin ng Hamas si Babadilla at isa pang OFW na si Jimmy Pacheco. Pinakawalan si Pacheco noong nakaraang linggo.

At kaugnay ng balitang ‘yan, makakausap natin si Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.

ADVERTISEMENT
Tagged: