Home / Videos / Panibagong diplomatic protest inihain laban sa China

Panibagong diplomatic protest inihain laban sa China

Naghain na ng panibagong diplomatic protest ang pamahalaan laban sa China dahil sa banggan ng mga barko nito at ng pilipinas sa West Philippine Sea.

Nangyari ang insidente kahapon sa resupply mission ng coast guard sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Pinagpapaliwanag na ng gobyerno ang China na nagpupumilit na ang Pilipinas umano ang mali.

Na-aalarma naman ang National Security Council sa tumitindi umanong tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Ang iba pang detalye mula sa aming senior correspondent Gerg Cahiles.

ADVERTISEMENT
Tagged: