Kada araw, nasa halos limang libo sa ating mga kababayan ang nangingibang bansa, para makaahon sa kahirapan. Ito ang paraan ng marami dahil sa kakulangan sa oportunidad.
May nagtatagumpay. May ibang nabibigo.
Isa sa mga peligrong kinakaharap ng mga nagbabalak maging overseas worker: mga illegal recruiter.
Kung dati ay nagkukubili sila sa mga peke o di rehistradong recruitment agency, ngayon, lantaran na ang modus gamit ang social media!
Ang mga biktima, sa isang iglap… tuluyan nang nililipad ng hangin ang mumunting pangarap!
Samahan niyo ang aming senior correspondent at anchor na si Ruth Cabal sa isang espesyal ng CNN Philippines: Paglipad ng Pangarap: Buhay OFW!
ADVERTISEMENT
















