Home / Videos / Sen. Marcos: Nasa Ehekutibo kung makikipagtulungan ang PH sa ICC | Balitaan

Sen. Marcos: Nasa Ehekutibo kung makikipagtulungan ang PH sa ICC | Balitaan

Naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros na humihimok sa Malacañang na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC).

Ito’y para sa imbestigasyon ng madugong giyera kontra-droga ng Duterte administration. Halos isang linggo ‘yan matapos maghain din ng kaparehong resolusyon ang mga kongresista.

Sa Senate Resolution number 867, sinabi ni Hontiveros na nangako si Pangulong Bongbong Marcos na isusulong ang karapatang pantao at papanagutin ang mga taong lalabag dito. Paraan daw ang kooperasyon ng bansa sa ICC.

May banat naman si Senator Imee Marcos sa resolusyon ni Hontiveros. Aniya, gusto raw ba nila ng gulo at mismong si dating pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing handa siya para dito.

Sabi pa ng senadora, nasa kamay na raw ng Ehekutibo kung makikipagtulungan ang bansa sa ICC o hindi. Pero dati na raw sinabi ng pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa bansa.

At makakausap natin sa linya ng telepono si Senator Imee Marcos.

ADVERTISEMENT
Tagged: