Ang pagbabasa ay susi sa kaalaman o karungan. Sa panahon ngayon na tila umiikot na lang ang ating atensyon sa mga gadget o teknolohiya, kailangan ang matinding effort para tutukan ang reading comprehension ng ating mga mag-aaral.
Ang grupong Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ay samahan ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Itinatag ito noong 1984 ng national artist na si Virgilio Almario.
At ngayon, makakasama natin ang kanilang direktor na si Abner Dormiendo para talakayin ang kahalagahan ng pagbabasa ngayong National Reading Month.
ADVERTISEMENT
















