Nakapanayam ng CNN Philippines si dating Senador Leila de Lima ilang oras mula nang mapalaya siya sa halos pitong taong pagkakadetene matapos siyang payagang magpiyansa.
Sa panayam ni senior anchor Pinky Webb, sinabi ni De Lima na pauwi na siya sa Iriga para muling makasama ang kaniyang inang may sakit — na walang ka-alam-alam sa sinapit niyang pagkakakulong.
Dagdag niya, plano niyang bumalik sa pagiging abogado at guro.
ADVERTISEMENT
















