Kaugnay ng pumanaw na Grade 5 student sa Antipolo, lumabas sa autopsy na walang koneksyon ang pananampal ng kanyang guro sa kanyang pagkamatay. Ang pagkasawi ng estudyanteng si Francis Gumikib may kinalaman daw sa kanyang rare congenital condition o sakit mula pa nang siya’y ipinanganak.
Taliwas ang resultang ito sa iginigiit ng kanyang pamilya na wala siyang anumang karamdaman bago ang pananakit ng kanyang guro.
May ulat si senior correspondent AC Nicholls.
ADVERTISEMENT
















