Tuwing Oktubre, ginugunita ang Prison Awareness Week o National Correctional Consciousness Week.
Pagkakataon ito para bigyang-pansin ang mga person deprived of liberty na ang iba’y tila kinalimutan na ng lipunan bukod pa sa mala-sardinas na sitwasyon sa mga kulungan.
Isang organisasyon tulad ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation ang kahit papaano’y hangad ay mapawi ang hirap at mabigyan ng pag-asa ang mga PDL.
Makakasama natin sa ating Serbisyo Ngayon si Philippine Jesuit Prison Service Foundation Executive Director Fr. Firmo Bargayo.
ADVERTISEMENT
















