In Edgar Samar’s latest book series, telling the same story three times is a charm

“Sa imagination ko, itong tatlong nobela, tatlong paraan ng pagkukuwento ng parehong bagay pero umiikot sa parehong setting,” says Edgar Calabia Samar about his book series “Trilohiya ng mga Bilang,” published by Ateneo de Manila University Press this year.

Fresh from its debut at the recently concluded Manila International Book Fair, the book trilogy gathers new editions of Samar’s first two award-winning novels, “Walong Diwata ng Pagkahulog” and “Sa Kasunod ng 909,” alongside “Teorya ng Unang Panahon,” his latest work and the winner of the 2022 Palanca Special Prize for Novel in Filipino.’ ’47’: ‘contentWidth’: ‘fit-content’ ’embedCode’: ‘

With Samar’s ingenious sleight of hand, timeframes, spaces, and realities often stretch and expand until all routes lead to a singular, satisfying collision. And as with many of his works, Samar tricks his characters by design and traps them in worlds shaped by our nation’s folkloric psychology. Indulging our proclivity to the supernatural, Samar excavates the nuno sitting still and quiet in our backyards, the kapre guarding the oldest tree we know, the santelmo chasing us at night, and the many monsters, imagined or not, that we refuse to see.

‘ ’44’: ‘image’: ‘jcr:c100740d-7158-45e5-ae45-7b2aed2c1acb’ ‘imageCaption’: ‘The most significant change in form in “Trilohiya ng mga Bilang” is how every novel focuses on new central characters existing in different

This fixation on the unseen also drives “Trilohiya ng mga Bilang.” When consumed as a whole, the trilogy makes for a thrilling, magnetic read. It’s also sheer fun, albeit at times distracting, particularly when the author conjures plot points that become too hard to follow or revel a little too much in the mystery that surrounds each character.

But what makes the trilogy vivid and vibrant is not only the way Samar toys with language but moreso how he nimbly switches across character mindsets or milieus and puts more thought into the plight of people living on society’s fringes, all while keeping the spirit of each novel. “Ayaw ko rin namang mawala [itong], para sa akin, crystal-like [narrative orientation] na sabi nga ni Rolando Tinio na kristal na uniberso nitong mga damdamin na parang mayroon silang kaayusan na kapag nabago ito, mababasag ‘yung mga planeta,” he says.The most significant change in form in “Trilohiya ng mga Bilang,” notes Samar, is how every novel focuses on new central characters existing in different timeframes and worlds — characters that increase by number and are entirely different from each novel, save for the recurring character, Teresa. The clever decision to insert particular figures (“bilang”) in each book’s title also goes beyond the author’s poetic sensibilities but also a way to experiment with each character’s persona. “Explicit ‘yung third novel sa page-explore nitong notion ng ‘bilang, bilang, bilang’ hindi lang bilang ‘number’ kundi ‘as’ nga: siya bilang ganito, siya bilang kung ano,” he shares.Recently, at the busy office of the Ateneo Press, I sat down with Samar, who discussed his distrust of the realist writing tradition, queering his work, and the novel as his refusal to accept things as they are.

This interview has been edited for brevity and clarity.

Bakit “Trilohiya ng mga Bilang” ang pamagat ng book series, at saan galing ‘yung fixation mo sa numerology? Conscious decision ba ‘yun bago mo pa simulan ang proyekto?

Nung sinulat ko ang first novel, ‘yung “Walong Diwata ng Pagkahulog” — mga 2004 ko ito sinimulang isulat — of course wala akong idea nun na eventually magiging trilogy ito. At trilogy naman ito na ‘yung relationship nila ay mas nasa theme. Walang narrative continuity ‘yung tatlong [nobela], although mayroong recurring na character pero pwede mo ring basahin na completely ibang tao ‘yun, although same ‘yung name. ‘Yun siguro ang nagta-tie up sa individual books.

Ang maganda noong sinusulat ko ‘yung first novel dahil wala pa naman akong nagagawa, kumbaga wala akong baggage, ay pwede kong gawin kahit ano. And I think somewhat nagawa ko ‘yun dun sa “Walong Diwata ng Pagkahulog” na parang kaya ko sigurong sabihin, kahit hanggang ngayon, na wala pa akong nakikitang ganung nobela nung time na ‘yun. Parang ‘yun lang naman ang intent ko nun. Ito ‘yung playfulness sa method ng language, ‘yung mismong paggamit ng literary culture bilang material doon sa text. Parang hindi ganun ‘yung tradisyon na nagpalaki sa akin na mostly ay realist at radikal na tradisyon lalo na sa Filipino novel.

‘ ’45’: ‘image’: ‘jcr:45a4f872-515a-4226-8346-1a70aa1768e6’ ‘imageCaption’: ‘“Sa imagination ko, itong tatlong nobela, tatlong paraan ng pagkukuwento ng parehong bagay pero umiikot sa parehong setting.” Photo by

Noong nagsusulat na ako ng second book, ‘yung “Sa Kasunod ng 909,” siguro dahil dissertation ko din ito sa UP at bilang dissertation, hindi lang ‘yung novel ang kailangan kong pag-isipan kundi pati ‘yung novel as a project, dun na lumitaw [ang idea for the trilogy]. Malaki lang ‘yung enamor ko nun sa mga writers na naimpluwensiyahan ni [Haruki] Murakami like David Mitchell na grabeng inspiration ang The Beatles.‘Yung “Sa Kasunod ng 909,” nagsimula lang dun sa [ideya] na ano bang relatively obscure na Beatles song na pwede kong gamitin [sa pamagat]. Pero dahil paulit-ulit nang binabanggit ‘yung Beatles sa “Walong Diwata ng Pagkahulog,” ang conscious intention naman dito ay hindi ko babanggitin ‘yung Beatles sa second novel pero ‘yung title ay translation nun. Pero naging line na siya ng isang kanta ng isang made-up band doon sa novel. Doon ko na naisip ‘yung possibility na baka trilogy ito. Naging trilogy lang dahil ‘yung ang pinaka-common na arc. Bihira kasi ‘yung dalawang nobela lang na related at dahil alam ko rin na may hindi pa ako na-exhaust sa second novel.

Itong third novel, meron ng cover studies si Mervin Malonzo before kasi dapat Visprint ang magre-reprint. Nung nire-reprint ng Visprint ‘yung “Walong Diwata ng Pagkahulog,” naipagpaalam ko na rin ‘yung “Sa Kasunod ng 909.” Tapos ang title dapat nitong huling nobela, nagsimula siyang “Pitumpu’t Pitong Pu*a”. Parang ‘yung idea ko nun, may chapters na pula, pusa, puta. Kaso sumingit nga ‘yung “Janus Silang” tapos nagkaroon ako ng third book na “Pitumpu’t Pitong Pusong,” so hindi ko na siya pwedeng gawin. Nung ginagawa na, naging “Santinakpan ng mga Pu*a”. Sa akin, visual talaga ‘yun. Hindi ko alam kung paano rin siya babasahin kasi hindi siya censorship ng puta.

Nag-iba ‘yung direction ng kuwento. Hindi ako maka-proceed. Parang nakukulong ako nung title, parang napupuwersa akong pumunta dun sa terrain na hindi ko alam kung gusto ko talagang puntahan. May mga draft ako ng mga sinasabi kong earlier designs. Pero parang walang sense. Masyadong napapang-ibabawan ng formalist take na determination sa simula, kaya sabi ko, “baka hindi ko kailangang puwersahin.” ‘Yung time na ‘yun ay mayroon ding nakilala na naka-inspire sa direksyon na balikan ko ‘yung earlier stories ko na futuristic stories.

Ang major change kasi dun sa form dahil nga sa “Walong Diwata ng Pagkahulog” at “Sa Kasunod ng 909,” salitan kasi ‘yung kuwento dito so may nangyayari from the past, may nangyayari sa present, may dalawang narrative, so dito [sa “Teorya ng Unang Panahon”], tatlo naman ‘yung nagsasalitan.

Bakit ka nag-decide na gawan ng bagong mga edisyon ‘yung unang dalawang nobela?

As a writer, technically kasi pang-apat na edition na ito ng “Walong Diwata ng Pagkahulog,” gusto ko din na every time na magpa-publish ako ay talagang nakita ko kung okay pa ba ‘to ngayon. Na gusto ko ‘pag binasa ito ngayon, magwo-work pa rin siya sa kabila nung realidad na, halimbawa, set sa early 2000s ‘yung “Walong Diwata ng Pagkahulog.” So ‘yung pinaka-obvious na edit ko dun ay ‘yung pag-update ng language, hindi lang sa choice ng words kundi sa tono din, ano na ‘yung development sa awareness natin sa iba’t ibang marginality ng mga tao, paano ko ‘yun maaaring i-rework.

Halimbawa, isa sa mga clear sa akin habang sinusulat ko ‘yung “Walong Diwata ng Pagkahulog” at “Sa Kasunod ng 909” na ‘yung main character dito ay bisexual pero never kong binanggit ‘yung word na bisexual dahil walang currency ‘yun nung time na ‘yun pero ito na ‘yung ine-explore ko sa nobela. Conscious ako na itong main character na gagawin ko ay halos matter of fact na attracted siya sa lalaki at babae at the same time. Talagang ganun ‘yung main characters ng dalawang nobela. Pero parang hindi siguro nagbabasa ‘yung mga tao sa ganung lens na ‘pag hindi mo nilagay ito na foregrounded ‘yung usapin ng sexuality ay hindi siya ika-categorize sa ganitong paraan pero kung binasa mo, clearly ay ine-explore niya itong queer identity ng character. Kasi bago itong nobela, hindi naman ganun ‘yung mga nobela sa atin na malilito ka as a reader na very heteronormative ‘yung readings mo sa mga teksto.

Hangga’t hindi ko kayang paniwalaan ‘yung tinig na nagsasalaysay, hindi ko kayang i-imagine ‘yung ibang buhay na nakikinig sa tinig na ito, meaning ‘yung nagbabasa, third person man ‘yan or first person, hindi ako maka-proceed, hindi ko mabuo ‘yung mundo, hindi ko mabuo ‘yung panahon.

Itong third novel lang, mayroong mas explicit na mention ng [markers of history]. Isa kasi sa mga consciously ay iniwasan ko sa “Walang Diwata ng Pagkahulog” saka “Sa Kasunod ng 909,” kasi nga sabi ko, nagmula ako sa pagbasa ng largely realist at radical traditions ng writing, so very conscious ako sa [unang dalawang nobela] na hindi babanggit ng “nation, nation,” ng mga typical tropes na kinalakihan ko na explicit na marker sa history natin ng martial law. If at all, suggested itong mga ‘to. Isa ‘yun sa [intentions ko na] hindi ko nire-resist dahil hindi mahalaga sa akin kundi dahil ‘yun na ang madalas na kinakapitan ng ibang mga nobela na parang andami na nilang hindi kailangang ipaliwanag basta banggitin lang nila ‘yung proper name na parang nae-explain nito ang maraming bagay.

Isang obserbasyon dito sa “Trilohiya ng mga Bilang,” bukod siyempre sa gamit mo ng mga supernatural na elemento at mitolohiya, malaking bagay din ‘yung paglalaro sa espasyo at panahon bilang paraan mo ng world-building. Anong poetics mo sa ganitong paglalaro nga sa porma o paraan ng pagnanaratibo?

Para sa akin, ‘yung paglapit ko diyan sa usapin ng panahon at espasyo, ang totoo, ay naka-anchor of course sa voice. Hangga’t hindi ko kayang paniwalaan ‘yung tinig na nagsasalaysay, hindi ko kayang i-imagine ‘yung ibang buhay na nakikinig sa tinig na ito, meaning ‘yung nagbabasa, third person man ‘yan or first person, hindi ako maka-proceed, hindi ko mabuo ‘yung mundo, hindi ko mabuo ‘yung panahon.

Kaya magwo-work para sa akin ‘yung pwedeng kawalan ng logic kung minsan, talon ng panahon lalo na kung alaala naman ito, dahil sa bandang huli, ‘yung katwiran ay nandoon sa boses, kung kayang pangatwiranan ng boses nung nagsasalaysay, handa tayong tanggapin.

Sa lahat ng mga akdang naisulat mo, mapa nobela, maikling kuwento, tula, o kahit kritisismo man yan, palagi litaw ‘yung fixation mo hindi lang sa mga mitolohiya natin kundi maging sa mismong mga paraan ng pagmimito natin bilang Pilipino, bilang isang bayan. Saan galing itong pagnanais mo na paulit-ulit na paksain at usisain ang ganitong mga bagay?

‘Yung immediate na sagot na sasabihin ko ay galing din dun sa reality na lumaki ako sa mga ganitong kuwento. Hindi ito unusual sa akin noong bata ako. Halimbawa, ‘yung opening scene sa “Walong Diwata ng Pagkahulog” ay literally na-experience ko raw. Hindi ko na alam ngayon kung ‘yung aking memory nito ay fabricated memory bunga ng kuwento sa akin. Populated ng ganitong fantastic details ‘yung childhood ko mismo. Tapos lumaki pa ako sa komiks na lalong na-supplement itong fascination sa mga bagay na hindi ko nga tatawagin na extraordinary dahil nababasa ko sila sa komiks pero kinukuwento rin sila at the same time sa akin as if part sila ng reality. Hindi ito unique ito sa akin, para sa marami sa atin bilang Pilipino.

Madalas nagbibiruan kami ni Glenn Diaz na nobelista din kasi nga siya ay nagmumula sa tradition ng realism sa pag-akda, biro lang pero half-truth din, na parang meron akong dissatisfaction doon sa pretension na, of course hindi naman ganito kasimple ‘yung realismo din, sa loob ng mahabang panahon na halos parang simplistic na tingin sa realismo at ng realismo na as if wala itong mga artifices at fabrications, ‘yung ganitong halos hubris na truthfulness sa history, truthfulness sa experiences. Wala akong tiwala sa ganung form na may claim sa katotohanan. Para sabihin mong realist, ano ‘yung real? Lalo tuloy tumitindi ‘yung pananalig ko na ‘yung totoong katotohanan ay hindi masasabi ng ganitong kayabangan kundi masasabi siya na pwedeng ‘yung katotohanan ay nasa arena na hindi kayang lubos na unawain ng tao. Doon siguro nag-uugat ‘yung patuloy na paglilinang nitong arena ng fantastic [at ang] halos humility nito na pwedeng maglapit sa akin sa katotohanan.

Noong 2020, nagbigay ka ng TED Talk dito sa Ateneo, at sabi mo speech na ‘yun: “Hindi pambihira na matakot sa isang bagay na hindi pa natin nakikita.” At siyempre, bukas na tinatalakay ng mga akda mo ang iba’t ibang mukha ng takot sa buhay o sa bansa natin lalo na sa political climate ngayon. Kung tutuusin, ang takot nga sa mga akda mo ay hindi lang personal kundi politikal at materyal din. Paano mo iniigpawan ‘yung ganitong mga takot, at ano sa palagay mo ang itinataya mo bilang nobelista, bilang manunulat sa tuwing sinusubukan mong unawain ang ganitong takot na palaging bitbit ng sarili mo, ng iyong mambabasa, at ng bayang ito?

Ang daming dahilan para sumuko na lang sa mga bagay, para hindi magpatuloy, para itigil ang pangangarap, meaning ‘yung imagination ng future. Pumili ka lang ng isa sa mga posibleng dahilan na ito, mula sa personal na buhay hanggang sa lebel ng nangyayari sa buhay natin, hanggang sa lebel ng nangyayari sa daigdig. Kahit ano doon ay valid na reason para hindi na mangarap. Pero isa siguro sa mga itinuro sa akin sa pagsusulat ng nobela ay na i-defer ‘yung mga bagay, ipagpaliban ang mga katapusan dahil mayroon kang particular na length na hinahabol. Ang pagpapaliban na ito ng katapusan ang humihikayat sa iyo ng mga posibilidad ng pagpapatuloy. Ano ‘yung pwede kong gawin kung hindi ko pa pwedeng tapusin ‘to, ano pa ‘yung pwedeng mangyari? Kaya ‘yung sinasabi ko lagi sa mga talk, kahit sa klase ko, nandito ako, nandito tayo, nandito ‘yung panitikan, nandito ‘yung lahat ng mga ginagawa natin dahil, conscious man tayo o hindi, patuloy tayong nangangarap ng mundong higit sa naririto.

Kaya nga isa sa mga pinakanakakalungkot ‘yung stock response natin ngayon na “okay lang, okay naman, okay na” dahil hindi na siya nag-uugat sa totoong assessment ng realidad, hindi na siya nag-uugat na authentic na emosyon. Parang resistance sa ganun ang pag-akda ng nobela. Parang ‘yung nobela ang mahabang tugon ko sa “kumusta ka na?”

Pero ‘yung hindi idealistic na roots niya ay dahil sa materialist recognition na hindi tayo okay kasi titigil ka na lang mangarap kung okay na. Pero wala nga kasing makatarungang assessment ng realidad na ang conclusion sa dulo ay okay na tayo. Kaya nga isa sa mga pinakanakakalungkot ‘yung stock response natin ngayon na “okay lang, okay naman, okay na” dahil hindi na siya nag-uugat sa totoong assessment ng realidad, hindi na siya nag-uugat na authentic na emosyon. Parang resistance sa ganun ang pag-akda ng nobela. Parang ‘yung nobela ang mahabang tugon ko sa “kumusta ka na?”

Sa usapin ng genre naman, madalas isipin ng marami na kapag fantasy, palagi itong pagtakas sa realidad, pero sa mga nobela mo, naroon pa rin ang iba’t ibang mabibigat na usapin na kinahaharap natin, mula sa distorsiyon ng kasaysayan hanggang sa pamamayani ng political killings at forced disappearances, ngunit sa ibang daigdig nga lang. Sa lahat ng genre, bakit fantasy ang napili mong paraan ng pagbibigay ng mga ganitong komentaryo?

Maliban doon sa nakaugat sa folkloric sources natin at dun sa distrust nga sa realism, never ko kasing nakita ‘yung common na notion na escapist ang fantasy genre na hindi ibig sabihin na dahil literal na tumakas sa realidad ay tumatakas din sa realidad ang mga [kuwentong] ito. Siguro ang ibig sabihin ko dun na never kong nakita sa ganung paraan ay ‘yung pagiging manunulat din mismo ay never mong tinitingnan ‘yung isang assertion sa paraan na tinitingnan ito ng maraming iba pa. Dahil nga nagsusulat tayo, ikaw nagsusulat ka rin naman, laging kapag mayroon kang naririnig na ganitong bagay ay sinusubukang pag-isipan sa sarili mong paraan ‘yung veracity nito, halimbawa ‘yang claim na escapist ang fantasy. Totoo ba ito batay sa iyong karanasan?

Itong mga non-realist nga na modes na ito, sila ‘yung naghahatid ng mga opportunity para pag-isipan ‘yung mga bagay na hindi mapag-iisipan ng limits noong yabang ng realismo. Hindi ito dig doon sa, of course, mahaba at very essential na history ng realist writing sa atin dahil ako nga ay kumbaga sumuso sa ganitong tradisyon. Wala namang halos choice, sila ‘yung nabasa at nagustuhan ko sila [tulad nina] Lualhati Bautista, Jun Cruz Reyes at [Jose] Rizal. Hindi naman kasi ako nangsusulat ng “fantasy” mula sa desire na “magsusulat ako ng fantasy” kundi may isusulat ako [at] nagkakataon na ‘yung pinakaangkop na paraan para isulat ito ay nangangailangan ng paggamit ng ganitong mga moda sa pagsasalaysay.

‘ ’46’: ‘image’: ‘jcr:af6201f1-4bcc-4b43-90b5-5c6a326fe409’ ‘imageCaption’: ‘“Sa palagay ko, ang totoong challenge ay, on the one hand, maging truthful dun sa art mo, kung ano ‘yung mahalaga sa iyo.” Photo by NIKKI

Sinabi ni Jun Cruz Reyes tungkol sa pagnanaratibo mo na malayo na ito “sa tradisyon ng mga romantisista at modernista, na laging mabigat sa dibdib ang paglalahad ng naratibo.” Conscious decision ba ito sa iyo na maging “mas magaan” sa pagsusulat?

Sa palagay ko, ang totoong challenge ay, on the one hand, maging truthful dun sa art mo, kung ano ‘yung mahalaga sa iyo, and on the other hand, matiyak na maaakses ito ng iba. Dahil ‘pag pumili ka ng isa dun sa dalawang extremes na ito, madali ‘yung both. Madaling piliin na accessible ka sa mga tao, isusuko kung ano ‘yung mahalaga sa iyo. Madaling makulong ka sa kung ano ‘yung mahalaga sa iyo na wala kang regard kung maiintindihan ka ba o mababasa ka ng isang tao. Para sa akin, ang totoong task ay i-consider itong dalawang ito at ito ‘yung sinisikap kong laging gawin, na walang akong isuko. Kung kaya ko silang gawin both, ‘yung ang ina-attempt kong gawin sa pagsusulat.

Pero ‘pag sinabi kong gusto kong mabasa ako as much as possible clear din sa akin ‘yung types of readers na gusto kong makapagbasa sa akin kasi, halimbawa, ‘yung choice ng language pa lang ay determined na siya.

Kasi kung gusto kong mabasa nang mas marami, masusulat siguro ako sa Ingles, pero totoo bang mas nababasa ng marami ‘pag nasa Ingles? Parang hindi naman.

Anong mga aklat ang inaabangan mong mabasa at kasalukuyan mong binabasa?

Hinihintay ko ‘yung study ni Alvin Yapan tungkol sa pag-uulit sa panitikan dahil bihira ‘yung ganitong mga book-length na study ng mga specific na characteristics ng panitikan. Lumabas ‘yung kay Christian Benitez na “Isang Dalumat ng Panahon” na sana masundan pa ng mga ganito para magamit ‘yung Filipino language mismo sa pagte-theorize na anchored sa literary studies. Of course, ako ay fan ni Vim [Nadera] noong pang college ako, ‘yung mga short stories niya at nobela.

ADVERTISEMENT